Pumalo na sa 8,812 ang bilang ng mga menor de edad na nagpalista para sa bakunahan laban sa COVID-19 sa Muntinlupa City, isang linggo makaraang buksan ng Muntinlupa City COVID-19 Vaccination Program (MunCoVac) noong Septyembre 14, 2021 ang pre-registration para sa mga residente ng lungsod na nasa edad 12 hanggang 17 anyos.
Ayon sa Local Government Unit (LGU), ang top 3 na barangay sa may pinakamaraming nagparehistro ay ang Barangay Putatan na umabot ng 1,623, sinundan ng Tunasan na 1,218 at Poblacion na 1,153.
Nauna nang nilinaw ng LGU na hindi pa babakunahan ang mga menor de edad at ito ay pre-registration pa lamang dahil wala pa umanong guidelines at “go signal” mula sa Department of Health at gobyerno.
Pinakiusapan ng Muntinlupa LGU ang mga kabataan ng huwag munang pumunta sa vaccination sites.
Base sa datos ng LGU, mahigit 324,000 na indibidwal o 84.2% na ng target population ang nababakunahan laban sa COVID-19 kung saan mahigit 233,000 dito ay nakatanggap na ng 2nd dose ng bakuna sa lungsod.