Bilang ng mga aktibong kaso sa Quezon City, bumaba na sa higit 500

53

Bumaba na ngayon sa 29 percent ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.

Batay sa datos ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit, nasa 528 na lang ang active cases mula sa 179,910 na kabuuang bilang ng nagpositibo sa virus.

Nadaragdagan din ang bilang ng mga gumagaling na ngayon ay abot na sa 177,763.


Mayroong 42 na barangay sa Quezon City ang “zero active cases” na ng COVID-19 habang ang iba naman ay nakapagtala na lang ng single digit ng COVID-19 cases.

Facebook Comments