
Umakyat na sa mahigit 161,000 indibidwal o katumbas ng 33,357 pamilya ang naapektuhan ng pinagsamang epekto ng habagat at ng bagyong Jacinto.
Batay sa pinakahuling ulat ng NDRRMC, mula ang mga biktima sa CALABARZON, MIMAROPA, Bicol, Zamboanga Peninsula, SOCCSKSARGEN, CARAGA at BARMM.
Tinatayang 2,000 evacuees pa rin ang nananatili sa iba’t ibang Evacuation Centers, kung saan pinakamarami ay mula sa BARMM.
Sa ngayon, ilang lugar parin sa mga apektadong rehiyon ang nananatiling lubog sa baha habang nagpapatuloy ang paghahatid ng tulong ng pamahalaan sa mga nasalanta nating mga kababayan.
Facebook Comments









