Bilang ng mga apektado ng Bagyong Jacinto at habagat sumampa na sa higit 181,000 indibidwal

Umakyat na sa 37,257 pamilya o katumbas ng mahigit 181,000 indibidwal ang naapektuhan ng pinagsamang epekto ng habagat at Bagyong Jacinto.

Batay sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mula ang mga biktima sa CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Zamboanga Peninsula, SOCCSKSARGEN, CARAGA at BARMM.

Sa nasabing bilang nasa halos 2,000 indibidwal ang nanunuluyan sa 11 evacuation centers sa mga apektadong rehiyon.

Samantala, nakauwi na sa kani-kanilang pamilya ang 3 katao na una nang napaulat na nawawala.

Sa ngayon, nasa 65 na mga lugar parin ang lubog sa baha sa BARMM at patuloy na tinutulungan ng pamahalaan.

Facebook Comments