Sumampa pa sa mahigit 65,000 indibidwal ang apektado ng pananalasa ng Bagyong Marce.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council o NDRRMC, may kabuuang 65,610 indibidwal o 21,273 pamilya ang naapektuhan ng bagyo mula sa Regions 1 o Ilocos region , Region 2 o Cagayan valley at Cordillera Administrative Region.
Pinakamarami sa naapektuhan ay mula sa Region 2 sa halos 50,000 katao.
Nasa 24,369 na mga indibidwal o 24,369 pamilya naman ang kasalukuyang tumutuloy sa iba’t ibang evacuation centers sa tatlong rehiyon.
Bukod sa bilang ng mga apektado, mayroon din napaulat na isang nasaktan at isang nawawala mula sa Region 1.
Facebook Comments