Bilang ng mga apektado ng Bagyong Nika, sumampa na sa mahigit 140,000 indibidwal

Tinatayang nasa mahigit 30,000 pamilya o katumbas ng 143,000 indibidwal ang apektado ng pananalasa ng Bagyong Nika sa Bicol region.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), halos 7,000 katao ang pansamantalang nanunuluyan ngayon sa 85 evacuations center sa nabanggit na rehiyon.

Agad ding nakapagsagawa ng pre-emptive evacuation sa mga lugar na sadyang delikado sa Bicol region.


Samantala, 401 ang stranded na mga pasahero dahil walang operasyon ang 16 na pantalan sa Bicol region at CALABARZON.

Hindi rin muna pinayagang makapaglayag ang 51 rolling cargoes, 4 na vessels, at 4 na motorbancas dahil sa matataas na alon sa karagatan sa mga nabanggit na rehiyon.

Patuloy naman ang pagkalap ng datos ng NDRRMC sa kanilang mga regional DRRMC lalo pa’t may ilang lalawigan ang nawalan ng kuryente at signal matapos hagupitin ng Bagyong Nika.

Facebook Comments