
Bagama’t nakalabas na ng bansa ang Bagyong Paolo, nakapagtala ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng 1,833 pamilya o katumbas ng halos 6,000 katao ang naapektuhan ng pananalasa ng bagyo.
Sa datos ng NDRRMC ang mga apektado ay mula sa 98 na barangay sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region at CALABARZON.
Sa nasabing bilang mahigit 3,500 na katao parin ang pansamantalang nanunuluyan sa iba’t ibang evacuation centers sa mga nabanggit na rehiyon.
Wala namang naiulat na casualty ang Bagyong Paolo.
Sa ngayon, mayroong 19 na mga kalsada ang hindi muna madaraanan ng mga motorista.
Problema rin ang kawalan ng kuryente partikular na sa Region 2, 3 at CALABARZON.
Samantala, nananatiling lubog sa baha ang ilang bayan at munisipalidad sa Gitnang Luzon.
Tuloy-tuloy naman ang paghahatid ng ayuda ng pamahalaan sa mga apektadong residente.









