Inihayag ngayon Commission on Elections Dagupan City Office na magiging mas marami ang tatakbong kandidato o magpa-file ng kanilang Certificate of Candidacy para sa gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa buwan ng Oktubre.
Sinabi Atty. Michael Franks Sarmiento sa isinagawang KBP Forum noong Huwebes na kanilang inaasahan na aabot sa isang libong indibidwal ang nakatakdang mag-file ng kanilang kandidatura na ayon pa sa kanya, nagbase sila si ratio ng dalawang grupo sa barangay.
Inaasahan din ng kanilang ahensya na mas marami ngayon ang maghahain ng kanilang kandidatura dahil sabik ang mga nagnanais na tumakbo.
Aniya pa, kanila nang pinaghahandaan ang halalan na ito maski ito ang pinakamahirap dahil ito ay isang mano-manong botohan maging sa pagbibilang ng boto.
Hiniling ng opisyal na nagbabalak maghain ng kanilang mga kandidatura na ayusin lahat ang kanilang mga requirements o dokumento upang nang sa ganoon ay hindi na maging dahilan ng sobrang tagal na pagproseso at mabilis ang usad ng pagtanggap ng mga kailangang dokumento sa pagtakbo.
Base sa pinakahuling datos ng COMELEC Dagupan, nasa higit 141, 000 na indibidwal ang nakatakdang bumuto para sa BSKE.

Facebook Comments