Bilang ng mga bagong COVID-19 cases sa bansa, mataas pa rin

51

Pumalo pa rin sa mahigit apat na libo o 4,339 ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Bunga nito, umakyat na sa 178,022 ang total COVID-19 cases sa bansa kung saan 61,025 dito ang active cases.


88 naman ang panibagong binawian ng buhay kaya ang total deaths ngayon ay 2,883.

727 naman ang bagong recoveries kaya ang total recoveries ngayon ay 114,114.

Samantala, nakapagtala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng isang recovery lamang sa hanay ng mga Pilipino sa abroad na tinamaan ng COVID-19.

Pero wala namang Pinoy na panibagong binawian ng buhay kaya nananatili ang total deaths sa 733.




14 naman na mga Pinoy sa Asia and the Pacific at Middle East ang panibagong na-infect ng virus.

Bunga nito, umaabot ngayon ang total cases sa 9,973 kung saan ang active cases ay 3,371.

Habang ang total recoveries ay 5,869.

Facebook Comments