Umabot na sa 1.1 million na mga bagong botante ang nakapagparehistro para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na gaganapin sa Oktubre.
Ito ay siyam na araw bago ang deadline ng registration sa January 31, 2023.
Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Garcia, 7,000 sa mga bagong botante ay nagparehistro sa ilalim ng Register Anywhere Project (RAP) na magtatagal naman hanggang January 25.
Bukas, January 23, magsisilbing RAP site na rin ang tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) gayundin ang Senado sa Miyerkules.
Una nang naglagay nito sa mga piling mall sa Metro Manila, Bicol Region at Central Visayas na tumanggap ng voter applications sa nakalipas na tatlong weekend na nagsimula noong December 17 at 18, 2022 at January 7, 8, 14 at 15 ngayong taon.