Muling nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng mas mababang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
1,987 lamang ang bagong kasong naitala ng DOH ngayon kaya ang total cases na ay 228,403.
Sa nasabing bilang, ang active cases ay 65,240.
880 naman ang bagong naka-recover kaya ang total recoveries ay umaabot na sa 159,475.
65 naman ang panibagong binawian ng buhay kaya ang total deaths ay pumalo na sa 3,688.
Samantala, wala muling naitala ang Department of Foreign Affairs (DFA) na bagong Pinoy na binawian ng buhay sa abroad dahil sa COVID-19.
Bunga nito, ang total deaths ay nananatili sa 757.
Habang isa lamang ang bagong kaso ng COVID-19 sa hanay ng mga Pinoy sa ibayong dagat.
43 naman na mga Pinoy ang panibagong gumaling sa nasabing sakit kaya ang total recoveries ay 6,220.
Sa ngayon, umaabot na sa 10,097 ang mga Pinoy na na-infect ng virus sa abroad at ang active cases ay 3,120 na lamang.