Inihayag ng Department of Health (DOH) na mataas pa rin ang kaso ng mga tinatamaan ng COVID-19.
Batay sa Department of Health (DOH) COVID-19 Case Bulletin #545, nasa 17,964 ang bagong tinamaan ng COVID-19, nagdala sa kabuuang aktibong kaso na 175,470.
Mayroon namang 9,067 na bagong gumaling o kabuuang bilang ng recoveries na 1,969,401 habang may 168 na pumanaw o kabuuang binawian ng buhay dahil sa COVID-19 na 34,899.
May 76,562 na indibidwal na isinalang sa swab test ngayong araw at sa bilang na ito ay 28.9% ang positibo sa COVID-19.
Sa hanay ng aktibong kaso, ang mild ay 87.8%; asymptomatic ay 7.8%; critical ay 0.6%; severe ay 1.3 percent; ang moderate ay 2.48% habang 95.6% ang mild at asymptomatic.
Paliwanag ng DOH na sa pangkalahatan ay may kabuuan nang 2,179,770 ang nagkasakit ng COVID-19 sa Pilipinas mula nang dumanas ng pandemya ang buong mundo dahil sa COVID-19.
Paalala ng DOH, maaabot lamang ng bansa ang lubos na kaligtasan ng lahat kung titiyakin ng bawat mamamayan ang mahigpit na pagsunod sa minimum public health standards bilang pangunahing panangga sa pagkalat ng COVID-19 sa mga komunidad.