Bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa National Capital Region, tumaas ng 62%

Tumaas ng 62% ang naitatalang bilang ng mga bagong kaso sa National Capital Region (NCR) sa nakalipas na isang linggo.

Ito ang sinabi ng OCTA Research Group matapos makapagtala ng 2,823 na mga bagong kaso ng COVID-19 sa NCR nitong araw ng sabado.

Maituturing itong pinakamataas mula ika-2 ng Mayo nang isailalim ang Metro Manila sa Modofied Enhanced Community Quarantine (MECQ).


Ayon sa OCTA, ang pagtaas ng bagong kaso ay maihahalintulad noong March 9 hanggang 15, dalawang linggo bago isailalim ang NCR sa ECQ.

Samantala, tumaas din sa 1.8 ang reproduction rate o bilis ng hawaan ng virus sa NCR mula sa 1.56 na naitala noong nakaraang linggo.

Ang mabilis na pagtaas ng kaso ng NCR ay posibleng dahil sa surge na dala ng Delta variant.

Facebook Comments