BILANG NG MGA BAGONG REGISTERED VOTERS SA PANGASINAN, NASA HIGIT 100K

Maituturing na matagumpay ang isinagawang sampung araw na voters’ registration sa lalawigan matapos itong tangkilikin ng mga pangasinense.

Sa panayam kay comelec pangasinan election supervisor atty. Marino salas, iniulat niyang nakapagtala ang kanilang tanggapan ng kabuuang 110,674 bagong botante — mas mataas kaysa sa target na 75,000 registrants.

Ayon kay Salas, dinagsa ang registration centers sa buong lalawigan, kung saan pinakamarami sa mga nagparehistro ay nasa edad 15 hanggang 17 na umabot sa 73,000 first-time voters, habang ang bilang ng mga regular voters ay umabot sa 37,493.

Dagdag pa ni salas, posible umanong magkaroon ng extension ng voters’ registration sakaling tuluyang mapirmahan ang panukala sa pagpapaliban ng *barangay at sangguniang kabataan elections 2025*. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments