Nais malaman ni Pangulong Bongbong Marcos ang bilang ng mga bakanteng plantilla position sa gobyerno.
Kabilang din sa nais malaman ni Pangulong Marcos ay ang eksaktong bilang ng mga contractual employees.
Ginawa ng pangulo ang direktiba kasunod ng pagnanais nito na makakuha ng permanenteng posisyon ang mga Contract of Service at Job Order workers ng pamahalaan.
Sa datos ng Presidential Communications Office (PCO), ang limang kagawaran na may pinakamaraming contractual employees ay ang Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Health (DOH), Department of Education (DepEd), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Matatandaang pinalawig ni Pangulong Marcos ang serbisyo ng mga Contract of Service at Job Order workers sa pamahalaan hanggang December 2025 upang makalikha ng pool of government workers na kayang gawin ang trabaho sa pamahalaan at sa huli ay maging qualified para sa plantilla positions.