Umabot na sa 100 milyong doses ng COVID-19 vaccines ang hawak ng pamahalaan.
Ito ay matapos dumating kagabi sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 ang 976,750 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine na binili ng gobyerno.
Nasa 896,000 din ng AstraZeneca COVID-19 vaccines ang natanggap ng bansa kahapon na donasyon ng gobyerno ng Japan.
Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., sapat na ito para sa target na population protection.
Pero malayo pa sa target na herd immunity ng pamahalaan kung saan dapat 70% ng populasyon ng Pilipinas ang fully vaccinated para maputol na ang hawaan ng COVID-19.
Facebook Comments