Aabot lamang sa mahigit dalawang milyon ang naiturok na bakuna kontra COVID-19 sa buong mundo batay sa datos ng AFP.
Kabuuan itong 2,109,696,022 doses ng COVID vaccine na ibinigay sa 215 bansa at teritoryo matapos ang anim na buwan nang simulan ang vaccination campaigns.
Nangunguna ang Israel sa pagbabakuna kung saan 60 porsyento ng populasyon na nito ay bakunado na.
Sinundan ito ng Canada na mayroong 59 porsyento ng populasyon ang nakatanggap na ng unang dose; United Kingdom (58.3 percent), Chile (56.6 percent) at United States (51 percent).
Nanguna naman ang China sa pagbabakuna sa mga bansang pinakamarami ang populasyon kung saan mayroong itong 704.8 milyong doses, habang 296.9 milyon sa US, at 221 milyon sa India.
Nasa 40 porsyento naman ang naturukan sa European Union kung saa nangunguna ang Germany sa rehiyon na may 43.6 porsyento habang 40 porsyento sa Italy, at 39.4 porsyento sa France.
Samantala, hindi pa nagsisimulang pagbakuna kontra COVID ang North Korea, Haiti, Tanzania at Chad.
Facebook Comments