Umakyat na sa 70,000 hanggang 90,000 doses ng COVID-19 vaccines ang naiturok sa Metro Manila kada araw.
Kasunod ito ng pagbubukas ng COVID vaccination program sa general population.
Ayon kay National Vaccination Operations Center (NVOC) Dr. Kezia Rosario, mataas na ang coverage ng bakunahan sa National Capital Region (NCR) mula pa noong nakalipas na buwan.
Dahil dito, muling nanawagan si Dr. Rosario sa lahat ng edad 18 taong gulang pataas, na tumungo na sa mga vaccination site at magpabakuna na, lalo’t mayroong sapat na supply ng COVID vaccines ang bansa.
Facebook Comments