Bilang ng mga bakwit dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon, bumaba na

Bumababa na ang bilang ng mga indibidwal na nananatili sa mga evacuation center sa Negros Island dahil sa patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon.

Sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction Management Council o NDRRMC, nasa 3,166 na pamilya o katumbas ng 10,048 indibidwal ang nananatili sa mga evacuation center sa Regions 6 at 7, mas mababa kumpara sa mahigit 13,000 noong nakaraang linggo.

Umabot naman sa 46,921 individuals o 12,284 pamilya ang kabuuang apektado ng aktibidad ng bulkan.


Samantala, halos ₱170 milyon na ang halaga ng tulong na naipamahagi ng pamahalaan sa mga apektadong residente.

Facebook Comments