Bilang ng mga balotang naimprinta na ng Comelec, nasa highit 28 Million na!

“On track” ang preparasyon ng commission on elections (Comelec) para sa may 13 midterm elections.

 

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez – umabot na sa 28,887,821 mga balota ang na-imprinta na ng poll body.

 

Katumbas ito ng 45.38 percent ng kabuuang bilang ng mga balotang gagamitin sa halalan.


 

Mahigit 61 milyong balota ang kailangang malimbag ng Comelec.

 

1.8 Milyon dito ay para sa overseas voting na gaganapin sa April 13, 2019 o isang linggo bago ang araw ng halalan sa bansa.

 

Matatandaang sinabi kamakailan ni Jimenez na nasa average 1.1 Milyong balota ang nai-imprinta ng national printing office kadda araw na target makumpleto sa aprl 25.

Facebook Comments