Bilang ng mga bansang sumusuporta sa posisyon ng Pilipinas sa WPS, nadagdagan

Nagpahayag na rin ang India ng suporta sa posisyon ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

 

Nakipagpulong kamakailan si Defense Sec. Gilbert Teodoro kay Indian Minister of External Affairs, H.B. Dr. Subrahmanyam Jaishankar at sa kanyang delegation, kasabay ng kanilang opisyal na pagbisita sa bansa.

 

Sa pulong ng dalawang opisyal, tiniyak ni Minister Jaishankar ang commitment ng India na itaguyod ang rules-based international order at isulong ang kapayapaan at seguridad sa Indo-Pacific Region.


 

Samantala, kinikilala naman ni Sec. Teodoro ang mahalagang kontribusyon ng India sa modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines.

 

Panghuli, nagkasundo ang dalawang opisyal na isulong ang mas malalim na relsyong pandepensa sa pamamagitan ng mas madalas na dialogo, mga aktibidad na nakatuon sa pagpapaunlad ng kapabilidad gayundin ang education and training exchanges at ang pagpapalawak ng kooperasyon sa industriyang pandepensa.

 

Una nang naghayag ng suporta ang mga bansang Estados Unidos, France, Japan, Ireland, Australia, Canada, Denmark, European Union, Germany, the Netherlands, New Zealand, United Kingdom sa posisyon ng Pilipinas sa WPS.

Facebook Comments