Bilang ng mga banyagang turista na dumating sa bansa, nasa higit 100 libo na

Kinumpirma ng Department of Tourism (DOT) na umabot sa 102,031 foreign tourists ang bumisita sa bansa mula nang buksan ang borders noong February 10.

Batay sa datos, nangunguna ang Estados Unidos sa contributors na may 22,243 visitor arrivals.

Sinundan ito ng Canada na may 4,852; United Kingdom na may 4,386; South Korea na may 3,748; habang ang iba ay Australia, Vietnam, Germany at Japan.


Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, bunsod ito ng mas maluwag na entry protocols para sa mga fully vaccinated leisure travellers mula sa visa-free countries at suspensyon ng classification system.

Kumpiyansa ang kalihim na bagama’t malayo pa sa pre-pandemic level ang numero, ay patuloy pang dadami ang mga bibisita habang bumababa ang kaso ng COVID-19 at bumubuti ang healthcare capacity.

Facebook Comments