Nadagdagan na ang mag barangay na binabaha sa Lalawigan ng Pangasinan dahil sa pag-apaw ng mga ilog dito. Sa panayam ng iFM Dagupan sa Pangasinan Disaster Risk Reduction and Management Office , nasa 16 barangay na ang apektado ng baha na kinabibilangan ng tatlong bayan.
Sa bayan ng Calasiao ang barangay ng Talibaew, Lumbang, Longos , Lasip, Mancup, Gabon, Banaoang, Quesban, Sonquil at Dalongue naman sa bayan ng Sta. Barbara at Malued, Lasip Chico, Pogo Grande, Mayombo, Bacayao Sur at Bacayao Norte ang apektado dahil na rin sa pagsabay ng high tide sa Dagupan City.
Sa ngayon patuloy ang paalala ng ahensya sa mga residente na ang bahay ay malapit sa ilog na imonitor ang lebel ng tubig at lumikas kung kinakailangan.
Facebook Comments