BILANG NG MGA BARANGAY NA DRUG CLEARED SA SAN CARLOS CITY, NADAGDAGAN

Nadagdagan ang bilang ng mga drug cleared barangay sa lungsod ng San Carlos.
Ayon sa lokal na pamahalaan, Sa buong Pangasinan ay isa ang barangay Cobol sa apat (4) na vinalidate at kabilang na siya sa mga barangay sa Ciudad ng San Carlos na may Drug Cleared Status.
Ang status na DRUG CLEARED ay iginagawad sa mga barangay na nakapasa sa mabusising validation ng PDEA kung saan tinitignan ang kahandaan, istatus at mga programa ng mga LGU at Barangay kontra iligal na droga.

Nabangit din ng kumite ang maayos na pamamalakad ng ating Alkalde sa BALAY SILANGAN, isang programa na tumutulong sa rehabilitasyon ng mga drug surrenderees upang sila ay makapagbagong buhay at unti unting maibalik sa komunidad.
Kinilala ng Regional Committee na ang San Carlos ay ang kauna unahang LGU sa probinsya na nagkaroon nito.
Patuloy na tinututukan ng Lokal na Pamahalaan ang laban kontra sa iligal na droga kasama ang barangay at katulungan sa PDEA at PNP. | ifmnews
Facebook Comments