Cotabato – Abot sa 15 libong pamilya sa Cotabato City na apektado ng baha bunsod ng mga nararanasang pag-ulan ang tatanggap ng food at non-food aid mula sa city lgu.
Ang Office on Social Welfare and Development Services ay nakatakdang mag-deploy ng mga staff sa 22 barangays sa lungsod na lubog sa tubig-baha upang mamahagi ng food packs at upang i-validate ang sitwasyon ng mga residente na apektado.
Ang Barangay Poblacion 7 at 9 ang lubhang apektado ng baha.
Ang iba pang barangay ay kinabibilangan ng Poblacion Mother, 1, 2, Poblacion 3 at 8, Rosary Heights 2, 3, 5, 6, 7, 8 , 9, kabilang din ang Tamontaka Mother, 2, 3 , 4, 5 at Bagua 3.
Sa pakikipagpulong ni City Mayor Atty. Frances Cynthia Guiani-Sayadi sa barangay officials ng mga nabanggit na barangy ay tinukoy ang mga kinakailangan tulong na ipamamahagi sa mga biktima ng baha sa lalong madaling panahon, kabilang dito ang food packs, ointment para sa pangangati, mga gamot para sa trangkaso, sipon at ubo, portalets, tarpaulins at mga kahoy para sa gagawing temporary shelters.