Bumaba na sa 21 mula sa 201 na barangay sa lungsod ng Pasay ang nakakapagtala ng aktibong kaso ng COVID-19.
Sa mga nasabing barangay, ang Brgy. 46, 81, 106, 130, 169 at 184 ang kapwa nakapagtala ng 2 kaso.
Habang ang iba ay may tig-iisang kaso na lamang COVID-19 na naitatala kung saan ikinatuwa ng lokal na pamahalaan ng Pasay ang naging kooperasyon ng kanilang mga residente upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.
Bukod dito, bumaba na sa 27 ang bilang ng aktibong kaso sa Pasay City habang nasa 28,086 ang bilang ng gumaling at nasa 580 ang namatay.
Samantala, base sa datos pa ng Pasay City Local Government Unit (LGU), nasa 708,749 ang bilang ng bakuna na kanilang nagamit kung saan 336,478 ang nagamit sa first dose, 316,366 sa second dose at 64,855 naman ang naiturok para sa booster shots.