Bumaba na sa higit 30 ang bilang ng mga barangay sa Metro Manila na nasa ilalim ng granular lockdown matapos makapagtala ng mataas na bilang ng kaso ng COVID-19.
Sa inilabas na datos ng Philippine National Police (PNP), nasa 33 na barangay sa National Capital Region (NCR) kung saan naitala ito sa apat na lungsod maliban lamang sa northern part ng Metro Manila.
Pinakamaraming barangay na naka-granular lockdown ay naitala sa lungsod ng Maynila na nasa 22.
Sa nasabing bilang ng naka-lockdown na barangay, nasa 35 lugar o area ang apektado.
Umaabot naman sa 130 mga pulis ang nagbabantay sa mga naka-lockdown na barangay upang masiguro na masusunod ang patakaran na inilatag dito.
Katuwang nila ang nasa 106 force multipliers na patuloy na nag-iikot upang maiaptupad ang guidelines ng health protocols kontra COVID-19.