Bumaba na sa 235 ang bilang ng mga barangay sa Metro Manila na isinailalim sa granular lockdown.
Batay sa tala ng Philippine National Police (PNP), mula ito sa 281 nakasailalim sa granular lockdown nitong Martes.
Sa bilang ng mga naka-lockdown, nakapaloob dito ang 143 mga bahay, 77 ang residential building, siyam ang kalye at lima ang subdivision o village.
Nagmula ito sa 129 barangay sa sampung lungsod at munisipalidad sa Metro Manila.
Facebook Comments