Bilang ng mga barangay sa Pasay na idineklarang critical zone areas, nadagdagan pa

Umaabot na sa 17 barangay sa lungsod ng Pasay ang idineklara ngayong critical zone areas ng lokal na pamahalaan.

Ito’y dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bawat barangay.

Sa inilabas na Memorandum Order ni City Administrator Dennis Bernard Acorda, ang mga barangay na idineklarang critical zone areas ay ang Barangay 14, 34, 37, 42, 46, 66,106, 144, 169, 171, 177, 183, 184, 185, 190, 193 at 201.


Nabatid na ang Barangay 183 at 193 ang nadagdag sa bagong listahan ng critical zoneareas kung saan nasa 47 at 34 bilang ng kaso ng ang COVID-19.

Matatandaan na ang ilan sa mga nasabing barangay ay unang napalawig ang pagdedeklara sa kanila bilang critical zone areas na magtatagal hanggang August 5, 2020.

Sa kasalukuyan, nasa 1,702 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong lungsod ng Pasay, 200 probable, 110 ang suspected, 65 ang nasawi at nasa 842 ang nakarekober sa sakit.

Facebook Comments