Bilang ng mga barko ng China sa Bajo de Masinloc, dumoble ayon sa Philippine Navy

Batay sa datos na inilabas ng Philippine Navy, dumoble ang bilang ng mga barko ng China sa Bajo de Masinloc.

Ayon sa huling tala, na-monitor ang 55 na barko ng China na binubuo ng siyam na Chinese Coast Guard Vessel (CCGV), apat na People’s Liberation Army Navy (P’LAN) at 42 Chinese Maritime Militia Vessel (CMMV) sa Bajo de Masinloc mula ika-14 hanggang ika- 20 ng Mayo.

Halos doble ito ng naitalang bilang noong ika-7 hanggang ika-13 ng Mayo, kung saan 28 barko na kinabibilangan ng walong CCGV, dalawang PLAN at 18 CMMV ang naobserbahan.


Nauna nang nanawagan ang National Security Council (NSC) na magsagawa ng international inspection sa mga aktibidad ng China sa Bajo de Masinloc.

Ito’y kaugnay ng mga ebidensyang hawak ng Philippine Coast Guard sa patuloy na “environmental destruction” na ginagawa umano ng China sa pamamagitan ng hindi awtorisadong pag-kuha sa likas na yaman, at “endangered species” sa lugar.

Facebook Comments