Bahagyang nadagdagan ang mga namonitor na barko ng China sa mga islang inookupa ng bansa sa West Philippine Sea (WPS).
Sa datos ng Armed Forces of the Philippines (AFP), nasa 104 na mga Chinese vessels ang na-monitor sa walong isla mula July 9-15, 2024.
Siyam dito ang Chinese Coast Guard Vessels na nasa Bajo de Masinloc, Ayungin Shoal, Pag-asa Islands at Kota Island.
Isa naman ang People’s Liberation Army Navy na nasa Ayunging shoal at 94 na Chinese Maritime Militia Vessels na namonitor sa Bajo de Masinloc, Ayungin Shoal, Pag-asa Islands, Lawak Island, Panata Island at Iroquois reef.
Ang datos ay mas mataas kumpara sa 95 na Chinese vessels na na-monitor noong June 5 hanggang July 1, 2024.
Facebook Comments