Iniulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na naka-monitor sila ng mas mataas na bilang ng mga namamataang barko ng China sa bahagi ng Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon kay Armed Forces of the Philippines Spokesperson, Col. Francel Margareth Padilla magmula nitong Martes, March 19 ay nasa 8 Chinese maritime militia vessels habang 6 na barko ng China Coast Guard (CCG) ang namataang nakapalibot sa nasabing bahura.
Samantala, sinabi naman ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea, Commodore Roy Vincent Trinidad na hindi naka-aalarma ang naturang bilang dahil mas marami pa ang mga barko ng China noon doon.
Gayunman, sinabi ni Trinidad na sa sandaling magkaroon ng malaking pagbabago sa ikiniikilos ng China sa Bajo de Masinloc ay tiyak na gagawa ng hakbang ang pamahalaan.