Lalo pang dumami ang bilang ng mga barko ng China sa West Philippine Sea (WPS).
Sa monitoring ng Armed Forces of the Philippines (AFP), 207 na ang barko ng China sa WPS na pinakamataas ngayong taon.
Ang nasabing datos ay mula September 3 hanggang September 9, 2024.
Mas mataas ang naturang bilang sa 203 na bilang ng mga barko ng China sa WPS sa petsang August 27 hanggang September 2, 2024.
Sa mga barkong na-monitor sa WPS, 182 dito ang Chinese maritime militia vessel, 18 ang Chinese Coast Guard vessels at anim ang People Liberation Army Navy vessel.
Kapansin-pansin na may pinakamaraming bilang na nadagdag naman na CMMV sa Iroquois Reef mula sa dating 36 na ngayon ay 58 na.
Facebook Comments