Bilang ng mga barkong naispatan sa WPS, bahagyang tumaas

Nadagdagang muli ang bilang ng mga barko ng China na na-monitor sa West Philippine Sea (WPS).

Sa datos ng Philippine Navy, 190 ang namataang mga barko ng China sa WPS mula September 30 hanggang October 6, 2024 na bahagyang mas mataas kumpara sa 178 na mga barko ng China noong nakalipas na linggo.

Sa nasabing bilang, 28 dito ang namataang People’s Liberation Army Navy (PLAN) at China Coast Guard (CCG) vessels sa Ayungin Shoal, Escoda Shoal (Sabina Shoal), at Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal).


Ayon kay Philippine Navy Spokesperson Rear Admiral Roy Vincent Trinidad ang patuloy na iligal na presensya ng China sa WPS ay tahasang pagsasawalang bahala sa 2016 Arbitral Tribunal ruling kung saan nilalabag nito ang sovereign rights.

Kasunod nito, nangako ang Armed Forces of the Philippines na patuloy na itataguyod ang international law at pprotektahan ang ating karapatan at soberenya.

Facebook Comments