Bilang ng mga barkong naispatan sa WPS, nabawasan

Bumaba ang bilang ng mga barko ng China sa West Philippine Sea (WPS).

Sa datos ng Armed Forces of the Philippines (AFP) mula September 10 hanggang September 16, 2024, 157 ang mga barko ng China na na-monitor sa WPS.

Ang nasabing bilang ay mas mababa kumpara sa 207 na bilang ng mga barko noong September 3 – September 9, 2024.


Sa nasabing datos, 123 dito ang Chinese Maritime Militia Vessels, 7 ang People’s Liberation Army (PLA) Navy at 26 ang Chinese Coast Guard (CCG) Vessels.

Kasama sa mga lugar na binabantayan ng mga barko ng China ay ang Bajo de Masinloc, Ayungin shoal, Pag asa Island, Lawak Island, Panata Island, Sabina Shoal at Iroquois Reef.

Samantala, sinabi naman ni Philippine Navy spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, na dahil sa masamang lagay ng panahon kung kaya’t bumaba ang bilang ng mga barko sa ilang features ng bansa sa WPS.

Facebook Comments