Nakapagtala ang United Nations Children’s Fund o UNICEF ng mataas na bilang ng mga kabataang dropouts kasunod ng muling pagbubukas ng face-to-face classes.
Base sa pag-aaral ng US Agency for International Development noong nakaraang taon, tumaas sa 25.2 percent ang bilang out-of-school youth sa Piliipinas noong April 2020 mula sa 16.9% noong January 2020.
Ayon sa Department of Education (DepEd), nakapagtala sila ng 1.1 milyong estudyanteng hindi nag-enroll para sa school year 2020-2021.
Sa kabilang banda, tumaas sa 27.2 million enrollees ang kanilang naitala noong November 15, 2021, mas mataas ng 3.83% sa 26.2 million enrollees noong school year 2020-2021 kung saan nagpatupad ng mga lockdowns dahil sa pandemya.
Kaugnay nito, nakatakdang maglabas ang DepEd ng kanilang learning recovery plan upang tugunan ang mga naging balakid at pagkukulang na dinala ng pandemya sa education setup ng bansa.