Umabot na sa mahigit dalawang libo ang bilang ng mga batang nasasangkot sa iligal na droga.
Ayon kay PDEA Spokesperson Derrick Carreon, nasa 2,098 na ang bilang ng mga kabataang na-rescue nila mula sa serye ng kanilang anti-illegal drug operations.
Sa nasabing bilang, 1,143 ang drug pusher, mahigit 500 ang nahulihan ng iligal na droga at anim ang nag-iingat ng drug den.
Pangamba ni PDEA Chief Director General Aaron Aquino, ang mga kabataang sangkot sa iligal na droga ngayon na hindi nagabayan ang magiging kalaban ng gobyerno sa hinaharap.
Kaya panawagan niya, tulungang magbagong-buhay ang mga kabataang nasasangkot na iligal na droga.
Facebook Comments