Bilang ng mga batang tinatamaan ng bulutong at HFMD sa bansa, lalo pang tumaas!

Tumaas ang kaso ng mga viral diseases tulad ng chickenpox o bulutong at hand, foot and mouth disease (HFMD) sa mga bata sa bansa.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Philippine Federation of Professionals Association (PFPA) Vice President Dr. Benito Atienza na maliban sa dengue ay lalo pang tumataas ang bilang ng mga batang tinatamaan ng HFMD, bulutong at iba pang respiratory infections.

Paliwanag ni Dr. Atienza, madalas napagkamalan na ang chickenpox o bulutong ay katulad lang din ng HFMD dahil sa rashes pero nilinaw nito na magkaiba ang dalawang sakit na may parehong sintomas.


Pinayuhan naman ni Dr. Atienza ang mga magulang na huwag nang papasukin sa paaralan ang mga batang may rashes na posibleng sintomas ng chickenpox o HFMD, na lubhang nakakahawa.

Paalala pa ni Dr. Atienza na agad na dalhin ang kanilang anak sa doktor, kung makitaan ito ng rashes at lalo kung wala pang chickenpox vaccine.

Facebook Comments