Bilang ng mga benepisyaryong nakatanggap ng ayuda mula sa DSWD, nasa 4 na milyon pa lamang

Halos 4 na milyong benepisyaryo pa lamang na naapektuhan ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) Plus ang nakatanggap na ng ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa inilabas na ulat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa DSWD, umabot na sa 2.9 milyong mga benepisyaryo sa NCR ang nakatanggap ng ayuda mula sa halos 11 milyong target na mabigyan nito.

905,000 naman ang nakatanggap na ng ayuda mula sa Region 4-A habang nasa 149,000 naman ang nakatanggap ng ayuda mula sa Region 3.


Sa kabuuan ay umabot na sa halos 4 bilyong piso ang naipalabas na pondo ng pamahalaan para sa mga naapektuhan ng ECQ sa NCR plus.

Matatandaang aabot sa 22.9 milyong mga benepisyaryo ang target ng pamalaan na mabigyang ayuda sa Metro Manila at iba pang kalapit na lalawigan.

 

Facebook Comments