Lilimitahan ng Saudi Arabia ang bilang ng mga bibisita sa taunang Hajj Pilgrimage sa Mecca, Saudi.
Sa inilabas na pahayag ng Saudi Arabia Ministry of Hajj and Umrah, tanging ang mga mamamayang nasa Saudi Arabia lang ang papayagang makilahok sa pagsasagawa ng Hajj.
Bilang proteksyon na rin kasi anila ito sa mga Muslim na makikinig ng aral at turo ng Islam.
Ang pagsasagawa ng Hajj ay sinisimulan tuwing katapusan ng Hulyo kada taon kung saan required na lumahok ang lahat ng Muslim kahit isang beses lang sa kaniyang buhay.
Facebook Comments