Umabot na sa 270 katao ang isinugod sa mga ospital matapos mabiktima ng food poisoning sa gitna ng pagdiriwang ng ika-90 taong kaarawan ni dating first lady Imelda Marcos sa Ynanes Sports Arena sa Pasig City kahapon.
Hindi bababa sa 10 ospital ang pinagdalhan sa mga biktima na halos sabay-sabay na nakaranas ng pagsusuka at pagkahilo matapos kumain ng mga inihanda sa pagtitipon.
Ayon kay Bryan Wong ng Pasig City Disaster Risk Reduction and Management Office – may ilan sa mga biktima ay nakalabas na ng ospital.
Karamihan sa mga nakain ng mga biktima ay adobong manok, spaghetti at siopao.
Nakakuha na rin sila ng sample mula sa adobong manok, itlong at kanin, maging ang tubig para isailalim sa pagsusuri.
Facebook Comments