Bilang ng mga biktima ng paputok, umakyat na sa 32 – DOH

Sumampa na sa 32 ang bilang ng mga nabiktima ng paputok sa buong bansa.

Ito ang huling datos ng Department of Health (DOH) simula nitong December 21.

Ayon sa DOH, walong katao ang naiulat na nasugatan dahil sa mishandled firecracker.


Apat na bagong kaso ay naitala sa Western Visayas, dalawa sa Cagayan Valley at tig-isa sa Central Luzon at National Capital Region.

Karamihan sa mga biktima ay mga lalaki na may edad dalawa hanggang 50.

Ang boga, kwitis, piccolo, at triangle pa rin ang dahilan ng firecracker injuries.

Facebook Comments