Bilang ng mga binabantayang social media accounts na posibleng propaganda ng Maute, tumaas

Marawi City – Inihayag ngayon ng Armed Forces of the Philippines na tumaas na ang bilang ng mga social media accounts na kanilang binabantayan na posibleng konektado sa propaganda ng mga teroristang grupo particular ang Maute Group.

Sa Mindanao Hour sa Malacañang ay sinabi ni AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla, sa ngayon ay umakyat na sa 300 accounts ang kanilang binabantayan na social media accounts mula ito sa hindi tataas sa 100.

Sa ngayon aniya ay umabot na rin sa hanggang 64 na accounts ang kanilang naipasara sa tulong na rin ng mga social media companies.


Nakikipag-ugnayan na rin naman aniya sila sa Philippine National Police cybercrime group upang palakasin pa ang kanilang ginagawang pagbabantay at imbestigasyon.

Facebook Comments