Bilang ng mga binawian ng buhay dahil sa COVID-19, bumaba dahil sa bakuna

Pinawi ng ilang eksperto ang pangamba ng publiko sa efficacy ng COVID-19 vaccines na ginagamit sa bansa.

Ayon kay Dr. Edsel Salvana, infectious disease specialist at myembro ng Technical Advisory Group ng DOH, hindi nagbago ang efficacy ng bakuna laban sa malalang sintomas ng COVID-19.

Lahat aniya ng bakuna, bumaba ang efficacy dahil sa epekto ng Delta variant pero magbibigay pa rin ito ng proteksyon.


Nilinaw ni Salvana na bagama’t tumaas ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 kahit bakunado na, ito ay dahil aniya sa Delta variant.

Ayon naman kay Dr. Nicanor Austriaco, molecular biologist at fellow sa Octa Research Group, nagsagawa sila ng pag-aaral sa vaccine effectiveness sa Davao at lumabas na nananatilig mataas ang proteksyong na naibibigay ng bakuna laban sa virus.

Idinagdag ni Salvana na bagama’t mataas ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 ngayon, nananatili namang mababa parin ang bilang ng mga nasasawi dahil sa virus.

Facebook Comments