Tumaas ng 10% ang bilang ng arriving at departing passengers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kasunod ng paglilipat ng flights.
Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA) sa NAIA Terminal 3 pa lamang ay nakakapagtala na ng 17,000 na mga pasahero sa departure kada araw at 16,000 naman sa arrival.
Pinakamalaking bilang ng volume ng mga pasahero na dumadagsa sa NAIA kada araw ay sa umaga.
Inaasahan namang lalo pang dadagsa ang international travelers sa bansa sa mga susunod na araw matapos na mag-anunsyo ang mga low-cost carrier na magpapasok sila ng malaking bilang ng mga turista sa Pilipinas.
Facebook Comments