Inihayag ng Commission on Elections (COMELEC) na posibleng umabot ng hanggang 63 milyon ang bilang ng mga registered voter para sa 2022 national elections.
Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, kasama sa bilang ang mga inaasahang bagong registered voter kung saan nasa 4 milyon ang bilang nito maliban pa sa ilang botante na ire-reactivate ang kanilang rehistro.
Matatandaang noong 2019 polls, 75.90 porsiyento ang lumabas na voter turnout o nasa 46 hanggang 47 milyong botante.
Patuloy naman ang pagsasagawa ng COMELEC ng nationwide voters’ registration na tatagal hanggang September 30, 2021.
Facebook Comments