Bilang ng mga Botante sa Lungsod ng Cauayan, Tumaas-COMELEC Cauayan City!

*Cauayan City, Isabela-* Tumaas umano ang bilang ng mga botante ngayon dito sa Lungsod ng Cauayan kumpara noong 2016 eleksyon.

Ito ang kinumpirma ni Cauayan City Commission on Elections (COMELEC) Officer Efigenia Marquez kung saan mula noong 2016 eleksyon ay mayroong kabuuang bilang na 77, 400 na mga botante subalit dahil umano sa pagpapatuloy na pagtanggap ng mga nagpaparehistro ay nadagdagan ito ng nasa mahigit kumulang pitong libong botante.

Kaugnay nito ay nilinaw naman ni Marquez na maaari pa umanong mabawasan ang kabuuang bilang ng mga botante dito sa Lungsod ng Cauayan dahil susuriin pa umano nila muli ang lahat ng mga applications ng mga botante.


Aniya, maaari kasi umanong may mga lumipat na sa ibang bayan o di kaya’y may mga yumao na.

Sa ngayon ay kasalukuyan parin umano ang kanilang cleansing at pag a update sa kanilang registration record upang malaman ang eksaktong bilang ng mga botante dito sa Lungsod ng Cauayan.

Facebook Comments