Bilang Ng Mga Bumisita Sa Mga Sementeryo, Bumuhos Ngayong Undas

12

MANILA – Mas madami ang mga taong nagtungo sa mga sementeryo ngayong undas.Sa Manila North Cemetery, ayon kay Director Daniel Tan, pumalo na sa higit isang milyong katao ang bumisita sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay.Sa Manila South Cemetery, sinabi ni Tan, na mas kakaunti ang bilang mga dumalaw ngayong taon na umabot lamang higit 150 libong katao kumpara sa higit 260,000 noong nakaraang taon.Sa Manila Memorial Park naman, ayon kay Park Manager Dennis Zalameda, problema ang paghahakot ng basura dahil marami pa ring humahabol kung saan umabot na sa 200 libong katao ang bumisita.Sa katabing Loyola Memorial Park, tintayang nasa higit sampung libo ang dumalaw dahil marami na ang nagtungo nitong weekend.Ayon kay NCRPO Director Chief Superintendent Oscar Albayalde, naging maayos ang paggunita ng undas ngayong taon.Dahil dito, inaasahang kakaunti na ang magtutungo sa mga sementeryo dahil sa balik-opisina at eskwela na ngayong araw.

Facebook Comments