Highly disputable ang sinasabi ng isang kongresista na aabot sa may isa punto dalawang milyong mga tursita galing ng China ang mawawala sa bansa dahil sa COVID-19.
Ito ang tugon ni Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles sa naturang pahayag ni Deputy House Speaker Johnny Pimentel patungkol sa ganon kalaking bilang ng mga turista mula sa China ang mawawala sa Pilipinas dahil sa umiiral na travel ban.
Ayon kay Nograles, subject ng assessment ang projection loss lalo’t wala namang nakaka-alam kung hanggang kailan magtatagal ang COVID-19 crisis.
Samantala, focus ngayon ng gobyerno ang pagpopromote ng local tourism at isa aniya ang gagawing pagbisita ni Pangulong Duterte sa mga local top destinations sa bansa upang mahikayat ang mga kababayan nating tangkilikin ang sariling atin.
Sa katunayan, sinabi ni Nograles na pinaplantsa na ang biyahe ng pangulo na posibleng bumisita sa Boracay, Cebu at Bohol.
Una nang sinabi ng Palasyo na mistulan kasing magnet si Pangulong Duterte dahil ang kanyang presensya sa kahit saang lugar ay palaging nakaeengganyo ng mga tao na dumalo sa okasyon, pagtitipon o anumang kasiyahan.