Bilang ng mga close contact ng unang kaso ng UK variant ng COVID-19 sa Pilipinas na nagpositibo sa COVID-19, umakyat na sa 13

Photo Courtesy: DOH Office of the Secretary

Umakyat na sa 13 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 na close contact ng unang kaso ng UK variant ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa inilabas na tala ng Department of Health (DOH), walo sa mga ito ay kapwa pasahero ng lalaki lulan ng Emirates Dubai-Manila Flight EK332 na dumating sa Pilipinas, habang 5 ang close contacts nito.

Pawang nasa mabuting kalagayan naman ang walong pasahero at dumaraan sa istriktong monitoring habang hinihitay pa ang kanilang re-swabbing result.


Sa ngayon, naipadala na sa UP Philippine Genome Center (PGC) ang samples ng limang nagpositibo habang hinihintay na ng DOH kung positibo rin sila sa UK variant.

Sa ngayon, sa 159 na pasaherong nakasabay ng nasabing Pinoy sa Emirates flight mula Dubai , 155 dito ang natunton na.

Facebook Comments